Thursday, 19 October 2017

Ang aking bakasyon sa Batangas

     Dumating ang boyfriend ko noong Martes. Dalawang araw lang ang biyahe niya dito sa Pilipinas, kaya nagbalak kaming pumunta sa Batangas. Bago siya dumating, nagreserba ako ng otel at tsuper para tipid ng oras. Nag-ayos din ako ng itinerary naming dalawa.
     Dumating siya sa NAIA nang mga alas singko ng umaga noong Martes. Umalis kami agad papunta sa Batangas. Nag-almusal kami sa Jollibee nang dumaan kami sa Tagaytay. Gusto ng boyfriend ko ang tanawin ng Taal Lake kasi walang katulad nito sa Singapore. Pagkatapos, pumunta kami sa Mt. Talamitam.
     Umakyat kami ng Mt. Talamitam. Madali lang ang trail at buti na lang, maganda ang panahon. Sa tuktok, pwede makita ang Mt. Batulao at maraming parte ng Batangas. Natapos namin ang hike nang mga las onse ng umaga. Naghanap ako sa online na may isang sikat na restwaran sa bayan ng Nasugbu. Kaya, nagjeepney kami sa bayan ng Nasugbu at lumakad sa "Kainan sa Dalampasingan".
     Ang ganda ng dekorasyon at ang sarap ng pagkain doon. Kumain kami ng ampalaya, baka at ginataang tilapia. Pagkatapos ng tanghalian, nagtricylce kami sa Punta Fuego. Malayo at matarik ang daan papunta roon. Sa wakas, nag-checkin kami nang alas tres ng hapon.
     Malaki ang kwarto sa Punta Fuego at masaya kasi kaunti lang ang tao sa buong resort. Kahit pumunta sa beach o swimming pool, parang private resort kasi walang tao. Nang gabi, kumain kami ng kare-kare at isda. Mahal ang pagkain sa restawran ng resort pero wala kaming ibang pwedeng pagpilian.
     Kinabukasan, sinundo kami ng tsuper nang alas dos ng hapon sa resort. Pumunta kami sa Tagaytay kasi gusto kong patikman sa boyfriend ko ang bulalo. Gustung-gusto niya at sabi niya masarap ang bulalo. 
     Bumalik kami sa Maynila nang mga alas otso ng gabi. Nakakapagod ang biyahe kasi kaunti lang ang oras pero masaya pa rin. Masaya rin ako kasi naranasan ng boyfriend ko and kagandahan ng Pilipinas. 

Mt Talamitam
Swimming pool ng resort
Sunset sa beach