Thursday, 23 November 2017

Cebu 2017

Sumakay ako ng AirAsia papuntang at pabalik ng Cebu. Umalis ako noong Nob 14 galing sa Maynila nang alas sais ng umaga. Dumating ako sa Cebu nang alas siyete. Noong Nob 17, umalis ako nang ala una ng tanghali galing sa Cebu at dumating ako sa Maynila nang alas dos. Maayos ang biyahe at maganda rin ang paliparan ng Cebu.

Ang unang araw, sumakay kami ng non-aircon bus galing sa Cebu City papunta sa Moalboal. Mga apat na oras ang biyahe. Tumira kami sa Parrot Resort. Sa resort na ito ay may mga alagang parrot, kaya pala Parrot Resot ang tawag niya. Pagkatapos ng check-in, kumain kami ng pancit at seafood platter sa isang restawran na malapit sa tabing-dagat. Ang sarap ng hipon at isda! Nag-snorkelling din kami sa tabing-dagat. Kumain kami ng chopsuey, hipon at sinigang para sa hapunan. Tapos, nagtulog kami kasi pagod na kami. 

Kinabukasan, gumising kami nang alas sias ng umaga para pumunta sa canyoneering sa Kawasan Falls. Sumali kami magkasama isang couple sa grop tour. Sa umpisa, madali lang ang mga pagtalon sa tubig. Ang pinakanakatatakot na talon ay 9 meters, pero masaya naman. Sobrang linaw ang tubig sa Kawasan Falls. Sayang nga, hindi kami nakapunta sa Pescador Island para sa sardine run kasi may boycott daw ng mga bangkero. Bumalik kami sa resort at natulog kami pagkatapos ng hapunan.

Ang pangatlo araw, gumising kami nang alas tres ng madaling araw para pumunta sa Osmeñya Peak. Ang lamig ng hangin doon! Umakyat kami sa tuktok at buti na lang, hindi pa umuulan. Pagkatapos ng Osmeñya Peak, nag-whaleshark watching kami sa Oslob. Ang laki ng whaleshark at sobrang lapit nila sa mga tao. Pagkatapos ng tanghalian, pumunta kami sa Tumalog Falls at Sumilon Islang. Noong nandoon kami ay umuulan, kaya walang kaming ginawa. Noong hapon, pumunta kami sa Aguinid Falls. Medyo bago raw ang falls na ito pero maganda naman ang iba’t ibang antas ng falls. Kumain din kami ng pritong manok at buko roon. Natatawa ang kaibigan ko sa banana ketchup.

Ang huling araw, nag-checkout kami sa resort noong alas siyete ng umaga kasi tanghali ang skedule ng lipad namin.


Masaya ang biyahe ko sa Cebu kahit tatlong araw lang, pero bitin. Sana, may pagkakataon ulit na pumunta sa Cebu. Hindi pa ako mag-explore sa North Cebu at Cebu CIty mismo. Sana rin, walang pasalubong na sandflies ulit.

Thursday, 19 October 2017

Ang aking bakasyon sa Batangas

     Dumating ang boyfriend ko noong Martes. Dalawang araw lang ang biyahe niya dito sa Pilipinas, kaya nagbalak kaming pumunta sa Batangas. Bago siya dumating, nagreserba ako ng otel at tsuper para tipid ng oras. Nag-ayos din ako ng itinerary naming dalawa.
     Dumating siya sa NAIA nang mga alas singko ng umaga noong Martes. Umalis kami agad papunta sa Batangas. Nag-almusal kami sa Jollibee nang dumaan kami sa Tagaytay. Gusto ng boyfriend ko ang tanawin ng Taal Lake kasi walang katulad nito sa Singapore. Pagkatapos, pumunta kami sa Mt. Talamitam.
     Umakyat kami ng Mt. Talamitam. Madali lang ang trail at buti na lang, maganda ang panahon. Sa tuktok, pwede makita ang Mt. Batulao at maraming parte ng Batangas. Natapos namin ang hike nang mga las onse ng umaga. Naghanap ako sa online na may isang sikat na restwaran sa bayan ng Nasugbu. Kaya, nagjeepney kami sa bayan ng Nasugbu at lumakad sa "Kainan sa Dalampasingan".
     Ang ganda ng dekorasyon at ang sarap ng pagkain doon. Kumain kami ng ampalaya, baka at ginataang tilapia. Pagkatapos ng tanghalian, nagtricylce kami sa Punta Fuego. Malayo at matarik ang daan papunta roon. Sa wakas, nag-checkin kami nang alas tres ng hapon.
     Malaki ang kwarto sa Punta Fuego at masaya kasi kaunti lang ang tao sa buong resort. Kahit pumunta sa beach o swimming pool, parang private resort kasi walang tao. Nang gabi, kumain kami ng kare-kare at isda. Mahal ang pagkain sa restawran ng resort pero wala kaming ibang pwedeng pagpilian.
     Kinabukasan, sinundo kami ng tsuper nang alas dos ng hapon sa resort. Pumunta kami sa Tagaytay kasi gusto kong patikman sa boyfriend ko ang bulalo. Gustung-gusto niya at sabi niya masarap ang bulalo. 
     Bumalik kami sa Maynila nang mga alas otso ng gabi. Nakakapagod ang biyahe kasi kaunti lang ang oras pero masaya pa rin. Masaya rin ako kasi naranasan ng boyfriend ko and kagandahan ng Pilipinas. 

Mt Talamitam
Swimming pool ng resort
Sunset sa beach

Thursday, 17 August 2017

Talumpati - Sistema ng edukasyon ng Pilipinas at Singapore

        Republic Act 10931 - batas edukasyon ito na pinirmahan ni Presidente Rodrigo Duterte noong nakaraang buwan. Layunin ng batas na ito na maging libre ang edukasyon ng kolehiyo sa Pilipinas. Natawang nito ang pansin ko at binasa ko ang mga impormasyon tungkol sa sistema ng edukasyon ng Pilipinas at ikinukumpara ko ito sa sistema ng edukasyon ng Singapore. 

        Ayon sa batas “Universal Access to Quality Tertiary Education Act”, libre ang pag-aaral para sa mga estudyante sa 114 na State Universities and Colleges (SUCs) at sa lokal na unibersidad, kolehiyo at state-run technical vocational schools, magsimula sa taong 2018. Ang edukasyon daw ang dapat na may pinakamalaki ng parte sa budget ng Pilipinas. Dahil sa batas na ito, siguradong mas lalaki ang pondo ng bansa para sa edukasyon.

  Sa Singapore, hindi libre ang pag-aaral ng kolehiyo pero may subsidirya na malaki galing sa goberyno ng Singapore para sa mga tao nito. Mayroon lang kami 6 state universities, 5 polytechnics at 2 arts institutions. Kung Ikukumpara sa Singapore, defence ay ang pinakamalaki parte ng nasyonal budget at pangkaraniwan, and edukasyon ay nasa ikatlong prioridad lamang.

        Bukod sa pagkakaiba sa badyet, iba rin ang kurikulum ng parehong bansa. Noong 2013, nagsimula na ang “K to 12” sa Pilipinas. Mula sa Grade 1 hanggang Grade 4, regional dialect o Filipino ang medium of instruction. Pagkatapos ng Grade 4, Ingles magiging medium of instruction. Kahit may regulasyon ng ganito, mahirap pa rin ang implementasyon dahil sa laki ng Pilipinas at kulang ang kapamaraanan, lalo na sa mga probinsya.

  Sa Singapore, English ang medium of instruction mula sa Grade 1 hanggang kolehiyo. Kinakailangan ang lahat ng estudyante ay mag-aral ng isa pang wikang depende sa lahi nila. Ito ay “Bilingual policy” na nagsimula noong panahon ng dating Prime Minister Lee Kuan Yew.

  Dahil sa maraming kasaysayan ng kolonyal, medyo iba ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas at Singapore. Mas malapit sa sistema ng Amerikano ang Pilipinas at mas malapit naman sa sistema ng British and Singapore. Mula sa sistema ng edukasyon, pwede rin mapansin kung ano ang prioridad ng isang bansa, kasi ang sistema ng edukasyon ay nakakaapekto ng kaalaman at kasanayan ng mga tao. Halimbawa, sa Pilipinas, pwedeng pumili ang mga estudyante ng senior high school. Una, academic, pangalawa, sports at arts, pangatlo, technical-vocational-livelihood. Kung ikukumpara sa Singapore, mayroon lang kaming science o arts.
  
        “The main hope of the nation is the proper education of its youth” sabi Ni Erasmus. Sana, mas maraming tao sa Pilipinas na pwedeng mag-aral dahil sa batas na ito at magiging maunlad ang Pilipinas. 

Wednesday, 9 August 2017

Karanasan ko noong hayskul

Nag-aral ako ng hayskul noong 2003 hanggang 2006. Ang panahong ito ay pinakamasayng panahon ng buhay ko. Nakaroon ako ng maraming kaibigan at magkakaibigan kami hanggang ngayon. Gusto ko rin ang mga aralin noong hayskul, halimbawa, matematika, biyolohiya at kasaysayan. Girl scout at prefect ang co-curricular activity ko.

Sumasakay ako ng bus papuntang eskwelahan tuwing umaga. Pagkatapos ng flag-raising ceremony, nagsisimula kami ng klase nang alas otso ng umaga. Karaniwan, nagtatapos kami ng klase nang alas dos ng hapon. Gusto kong mag-aral pero mas gusto kong magmeryenda at magtanghalian. Kung wala akong co-curricular activity sa hapon, tumatambay kami ng kaibigan ko sa kantina o sa mall. Kahit walang gagawin, masayang-masaya pa rin.

Sa tingin ko, ang hayskul ay isa sa mga importanteng parte ng buhay ko. Nakilala ko ang mababait na kaibigian ko na nagbigay ng hugis sa ugali ko. Kung babalikan, bata pa ako noong hayskul. Ang mga problema dati ay hindi totoong problema, OA lang ako. Pero, ito ay pinakamasayang panahon ng buhay ko kasi araw-araw walang inaalala.