Wednesday, 9 August 2017

Karanasan ko noong hayskul

Nag-aral ako ng hayskul noong 2003 hanggang 2006. Ang panahong ito ay pinakamasayng panahon ng buhay ko. Nakaroon ako ng maraming kaibigan at magkakaibigan kami hanggang ngayon. Gusto ko rin ang mga aralin noong hayskul, halimbawa, matematika, biyolohiya at kasaysayan. Girl scout at prefect ang co-curricular activity ko.

Sumasakay ako ng bus papuntang eskwelahan tuwing umaga. Pagkatapos ng flag-raising ceremony, nagsisimula kami ng klase nang alas otso ng umaga. Karaniwan, nagtatapos kami ng klase nang alas dos ng hapon. Gusto kong mag-aral pero mas gusto kong magmeryenda at magtanghalian. Kung wala akong co-curricular activity sa hapon, tumatambay kami ng kaibigan ko sa kantina o sa mall. Kahit walang gagawin, masayang-masaya pa rin.

Sa tingin ko, ang hayskul ay isa sa mga importanteng parte ng buhay ko. Nakilala ko ang mababait na kaibigian ko na nagbigay ng hugis sa ugali ko. Kung babalikan, bata pa ako noong hayskul. Ang mga problema dati ay hindi totoong problema, OA lang ako. Pero, ito ay pinakamasayang panahon ng buhay ko kasi araw-araw walang inaalala.

No comments:

Post a Comment