Thursday, 17 August 2017

Talumpati - Sistema ng edukasyon ng Pilipinas at Singapore

        Republic Act 10931 - batas edukasyon ito na pinirmahan ni Presidente Rodrigo Duterte noong nakaraang buwan. Layunin ng batas na ito na maging libre ang edukasyon ng kolehiyo sa Pilipinas. Natawang nito ang pansin ko at binasa ko ang mga impormasyon tungkol sa sistema ng edukasyon ng Pilipinas at ikinukumpara ko ito sa sistema ng edukasyon ng Singapore. 

        Ayon sa batas “Universal Access to Quality Tertiary Education Act”, libre ang pag-aaral para sa mga estudyante sa 114 na State Universities and Colleges (SUCs) at sa lokal na unibersidad, kolehiyo at state-run technical vocational schools, magsimula sa taong 2018. Ang edukasyon daw ang dapat na may pinakamalaki ng parte sa budget ng Pilipinas. Dahil sa batas na ito, siguradong mas lalaki ang pondo ng bansa para sa edukasyon.

  Sa Singapore, hindi libre ang pag-aaral ng kolehiyo pero may subsidirya na malaki galing sa goberyno ng Singapore para sa mga tao nito. Mayroon lang kami 6 state universities, 5 polytechnics at 2 arts institutions. Kung Ikukumpara sa Singapore, defence ay ang pinakamalaki parte ng nasyonal budget at pangkaraniwan, and edukasyon ay nasa ikatlong prioridad lamang.

        Bukod sa pagkakaiba sa badyet, iba rin ang kurikulum ng parehong bansa. Noong 2013, nagsimula na ang “K to 12” sa Pilipinas. Mula sa Grade 1 hanggang Grade 4, regional dialect o Filipino ang medium of instruction. Pagkatapos ng Grade 4, Ingles magiging medium of instruction. Kahit may regulasyon ng ganito, mahirap pa rin ang implementasyon dahil sa laki ng Pilipinas at kulang ang kapamaraanan, lalo na sa mga probinsya.

  Sa Singapore, English ang medium of instruction mula sa Grade 1 hanggang kolehiyo. Kinakailangan ang lahat ng estudyante ay mag-aral ng isa pang wikang depende sa lahi nila. Ito ay “Bilingual policy” na nagsimula noong panahon ng dating Prime Minister Lee Kuan Yew.

  Dahil sa maraming kasaysayan ng kolonyal, medyo iba ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas at Singapore. Mas malapit sa sistema ng Amerikano ang Pilipinas at mas malapit naman sa sistema ng British and Singapore. Mula sa sistema ng edukasyon, pwede rin mapansin kung ano ang prioridad ng isang bansa, kasi ang sistema ng edukasyon ay nakakaapekto ng kaalaman at kasanayan ng mga tao. Halimbawa, sa Pilipinas, pwedeng pumili ang mga estudyante ng senior high school. Una, academic, pangalawa, sports at arts, pangatlo, technical-vocational-livelihood. Kung ikukumpara sa Singapore, mayroon lang kaming science o arts.
  
        “The main hope of the nation is the proper education of its youth” sabi Ni Erasmus. Sana, mas maraming tao sa Pilipinas na pwedeng mag-aral dahil sa batas na ito at magiging maunlad ang Pilipinas. 

Wednesday, 9 August 2017

Karanasan ko noong hayskul

Nag-aral ako ng hayskul noong 2003 hanggang 2006. Ang panahong ito ay pinakamasayng panahon ng buhay ko. Nakaroon ako ng maraming kaibigan at magkakaibigan kami hanggang ngayon. Gusto ko rin ang mga aralin noong hayskul, halimbawa, matematika, biyolohiya at kasaysayan. Girl scout at prefect ang co-curricular activity ko.

Sumasakay ako ng bus papuntang eskwelahan tuwing umaga. Pagkatapos ng flag-raising ceremony, nagsisimula kami ng klase nang alas otso ng umaga. Karaniwan, nagtatapos kami ng klase nang alas dos ng hapon. Gusto kong mag-aral pero mas gusto kong magmeryenda at magtanghalian. Kung wala akong co-curricular activity sa hapon, tumatambay kami ng kaibigan ko sa kantina o sa mall. Kahit walang gagawin, masayang-masaya pa rin.

Sa tingin ko, ang hayskul ay isa sa mga importanteng parte ng buhay ko. Nakilala ko ang mababait na kaibigian ko na nagbigay ng hugis sa ugali ko. Kung babalikan, bata pa ako noong hayskul. Ang mga problema dati ay hindi totoong problema, OA lang ako. Pero, ito ay pinakamasayang panahon ng buhay ko kasi araw-araw walang inaalala.