Thursday, 18 May 2017

Ang bakasyon ko sa Boracay (hulang bersyon)

Mahal kong Emily,

Pumunta ako sa Boracay noong isang linggo kasama mga kaibigan ko kasi may bahay-bakasyunan sila doon. Nageroplano kami. Sa paliparan, napansin ko sira na ang maleta ko. Buti na lang, tumulong ang kaibigan kong ayusin ang maleta.

Magandang-maganda ang dagat sa Boracay. Sa unang araw, lumangoy kami sa dagat at sumisid din sa isang malapit na isla. May maraming batuhan at korales sa dagat. Nakakamangha ang karanasan sa dagat. Kinabukaran, nagpiknik kami sa isang beach. Nagbaon kami ng mga inumin at meryenda. May isang mama na nagtanong kung may barya ba ako. Pumayag ako para magpapalit. Pagkatapos, sumunod ako sa kaibigan ko mag-isnorkeling sa dagat. Sa gabi noong pabalik sa hotel namin, napansin ko na nakalimutan ko ang pera ko. Ay nako! Siympre ang mama ang nagnakaw ng pera ko.

Nalungkot ako at kailangan ko hiramin ang pera galing sa kaibigan ko. Kahit na ganoon, bumili parin ako ng pasalubong para sa iyo. Sana ay mabuti ka naman at dadalhin ko ang pasalubong sa susunod na linggo.

Hanggan dito na lang muna ako,
Mario

_________________

Mga pagkakapareho
  1. Oras: Noong isang linggo
  2. Aktibidad: Lumangoy sa dagat
  3. Paglalarawan: Magandang-maganda ang tabing dagat
  4. Pangyayari: Kinailangan ni Mario humiram ng pera
Mga pagkakaiba
  1. Mga kasama: O - Pamilya; H - Kaibigan
  2. Aktibidad: O - Kumain sa buffet, nag-island hopping; H - nag-isnorkeling, sumisid
  3. Pangyayari: O - Ninakaw ang pitaka ni Mario sa D'Mall; H - ninakaw lang ang pera ni Mario sa tabing-dagat
  4. Pakiramdam: O - Masaya pa rin si Mario; H - nalungkot siya
(O: Orig, H: Hula)

No comments:

Post a Comment