Sumakay ako ng AirAsia papuntang at pabalik ng Cebu. Umalis ako noong Nob 14 galing sa Maynila nang alas sais ng umaga. Dumating ako sa Cebu nang alas siyete. Noong Nob 17, umalis ako nang ala una ng tanghali galing sa Cebu at dumating ako sa Maynila nang alas dos. Maayos ang biyahe at maganda rin ang paliparan ng Cebu.
Ang unang araw, sumakay kami ng non-aircon bus galing sa Cebu City papunta sa Moalboal. Mga apat na oras ang biyahe. Tumira kami sa Parrot Resort. Sa resort na ito ay may mga alagang parrot, kaya pala Parrot Resot ang tawag niya. Pagkatapos ng check-in, kumain kami ng pancit at seafood platter sa isang restawran na malapit sa tabing-dagat. Ang sarap ng hipon at isda! Nag-snorkelling din kami sa tabing-dagat. Kumain kami ng chopsuey, hipon at sinigang para sa hapunan. Tapos, nagtulog kami kasi pagod na kami.
Kinabukasan, gumising kami nang alas sias ng umaga para pumunta sa canyoneering sa Kawasan Falls. Sumali kami magkasama isang couple sa grop tour. Sa umpisa, madali lang ang mga pagtalon sa tubig. Ang pinakanakatatakot na talon ay 9 meters, pero masaya naman. Sobrang linaw ang tubig sa Kawasan Falls. Sayang nga, hindi kami nakapunta sa Pescador Island para sa sardine run kasi may boycott daw ng mga bangkero. Bumalik kami sa resort at natulog kami pagkatapos ng hapunan.
Ang pangatlo araw, gumising kami nang alas tres ng madaling araw para pumunta sa Osmeñya Peak. Ang lamig ng hangin doon! Umakyat kami sa tuktok at buti na lang, hindi pa umuulan. Pagkatapos ng Osmeñya Peak, nag-whaleshark watching kami sa Oslob. Ang laki ng whaleshark at sobrang lapit nila sa mga tao. Pagkatapos ng tanghalian, pumunta kami sa Tumalog Falls at Sumilon Islang. Noong nandoon kami ay umuulan, kaya walang kaming ginawa. Noong hapon, pumunta kami sa Aguinid Falls. Medyo bago raw ang falls na ito pero maganda naman ang iba’t ibang antas ng falls. Kumain din kami ng pritong manok at buko roon. Natatawa ang kaibigan ko sa banana ketchup.
Ang huling araw, nag-checkout kami sa resort noong alas siyete ng umaga kasi tanghali ang skedule ng lipad namin.
Masaya ang biyahe ko sa Cebu kahit tatlong araw lang, pero bitin. Sana, may pagkakataon ulit na pumunta sa Cebu. Hindi pa ako mag-explore sa North Cebu at Cebu CIty mismo. Sana rin, walang pasalubong na sandflies ulit.